1. Home
  2. Kalusugan
  3. Pharmaceutical Industry

London Drugs isinara ang mga tindahan dahil sa cyberattack

Ang retailer ay nag-o-operate sa halos 80 tindahan sa B.C., Alberta, Saskatchewan at Manitoba

Harapan ng tindahan ng London Drugs.

Inanunsyo ng retailer noong Linggo ang isang operational issue na nagresulta sa pagsasara ng kanilang mga tindahan sa Western Canada until further notice.

Litrato: La Presse canadienne / Nono Shen

RCI

Isinara ng London Drugs ang kanilang mga tindahan until further notice dahil sa isang cyberattack.

Ang retailer, na nag-o-operate sa halos 80 tindahan sa B.C., Alberta, Saskatchewan at Manitoba, sinabi na ang pagsasara ay dahil sa lubos na pag-iingat at ito ay kaagad gumawa ng mga hakbang upang labanan ang pag-atake sa oras na ito ay nadiskubre.

Sa ngayon, wala kaming rason upang paniwalaan na ang kostumer o datos ng empleyado ay naapektuhan, sinabi ng kompanya sa isang pahayag.

Sinabi ng chain na ang mga pharmacist ay susuportahan pa rin ang mga kostumer na may urgent pharmacy needs, ngunit ang sinuman na naghahanap ng impormasyon ay dapat tumawag sa kanilang lokal na parmasiya para gumawa ng arrangements.

Basahin ang iba pang detalye tungkol sa cyberattack dito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita