1. Home
  2. Lipunan
  3. Edukasyon

Ontario hinigpitan ang paggamit ng cellphone, ipinagbawal ang vaping sa eskwelahan

Nakita ng probinsya ang ‘nakakaalarmang pagtaas’ ng vaping, cellphone use sa mga eskwelahan

Isang lalaki nagsasalita sa podium sa loob ng basketball court habang nakatayo ang ilang tao sa kanyang likod.

Sinabi ni Ontario Education Minister Stephen Lecce na ang mga bagong polisiya, ay ipatutupad sa taglagas.

Litrato: CBC / Tess Ha

RCI

Ang gobyerno ng Ontario ay magpapakilala ng mga bagong hakbang upang paghigpitan ang paggamit ng cellphone at vaping sa mga eskwelahan habang nakita ng probinsya ang “nakakaalarmang pagtaas” ng vaping at cellphone distractions sa mga classroom.

Sa isang anunsyo noong Linggo, sinabi ni Education Minister Stephen Lecce na ang pagtanggal sa mga distraction ay parte ng kanilang back-to-basics plan, at pagtugon sa negatibong impact ng mobile devices, social media at vaping sa mga eskwelahan.

Bawat magulang at titser na nakausap namin ay ibinahagi ang lumalaking problema ng cellphone distractions sa klase … bukod sa nakababahalang pagtaas ng vaping sa mga eskwelahan ng ating mga kabataan, ani Lecce sa isang news conference sa North York noong Linggo.

Ipagbabawal natin ang paggamit ng cellphone sa oras ng pagtuturo. Kailangan natin maging matapang, kailangan nating maging komprehensibo at kailangan natin umakto na may urgency ngayon.

Simula Setyembre, ang mga estudyante sa Grade 6 ay ire-require na ilagay ang phone sa silent at out of sight para sa buong araw ng pag-aaral, maliban kung binigyan sila ng pahintulot na gamitin ito, ayon sa probinsya.

Gayundin, ang mga estudyante sa Grade 7 hanggang 12 ay hindi pahihintulutan na gamitin ang kanilang cellphones kapag oras ng klase nang walang pahintulot.

Kung hindi sila susunod, hihilingin sa kanila na isuko ang phones o sila ay ipapadala sa opisina, ani Lecce.

May mga progresibong polisiya ng pagdisiplina na nakalista rito. Maaaring kasama ang suspension kung magkakaroon ng repeat violations.

Unang ipinagbawal ng Progressive Conservative na gobyerno ng Ontario ang paggamit ng cellphone noong 2019, sinabi na ang mga estudyante ay maaari lamang gamitin ang personal mobile devices sa oras ng pag-aaral para sa educational purposes, para sa health purposes o para sa special needs. Hinayaan nito ang boards at eskwelahan na ipatupad ang tuntunin.

Sinabi na dati ng mga board tulad ng Toronto District School Board na ang ganitong bans ay mahirap ipatupad. Ang board ay may procedure tungkol sa paggamit ng cellphone — bago ang kanilang pagboto kamakailan na baguhin ito — na nagsasabi na ang mga bata ay maaari lamang gumamit ng cellphone para sa educational purposes. Sinabi ng pinuno ng board na maaari itong ipatupad differently sa bawat eskwelahan at hindi gaanong kilala.

Sinabi ni Lecce noong Linggo na ang kaibahan ng 2019 ban at ng pinakahuli ay magkakaroon ng consistency sa pag-a-apply at pagpapatupad ng mga bagong hakbang sa lahat ng school board sa probinsya, sinabi na ang resulta ng huling ban ay halo-halo.

Nakasalalay sa school staff ang desisyon kung ang paggamit ng teknolohiya ay angkop, at sinabi ni Lecce na susuportahan niya ang mga titser, principal at superintendent na magpapatupad ng bagong polisiya ng gobyerno.

Ang Quebec at British Columbia ay gumawa ng katulad na hakbang sa pagbabawal ng paggamit ng mga cellphone sa klase, ngunit sinabi ni Lecce na ang Ontario ang unang magba-block sa access sa lahat ng social media platforms sa mga school network at devices.

Bilang parte ng mga pagbabagong ito, ang mga titser ay sasailalim sa isang mandatory training, ayon sa probinsya. Kasama na rin sa mga report card ang komento sa distraction levels ng mga estudyante sa klase.

Ipinagmalaki ni Lecce na ang mga hakbang na ito ay kinakailangan upang tulungan ang mga estudyante na magpokus sa klase at i-improve ang kaligtasan sa mga eskwelahan.

Kasama sa aming polisiya ang enforcement para tiyakin ang compliance at consistency sa buong probinsya, aniya.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita