1. Home
  2. Pandaigdig
  3. Lagay ng Panahon

Milyon-milyon hindi pinapasok sa eskwela dahil sa heat wave sa Pilipinas

Dose-dosena ang nagkasakit, namatay sa bansa ngayong taon

Pinagpapawisan ang batang lalaki habang sinasagutan ang learning module katapat ng electric fan at katabi ang isang maliit na aso.

Isang estudyante sinasagutan ang kanyang learning module kasunod ng suspension ng in-person classes, sa loob ng kanyang bahay sa Maynila, sa Pilipinas, noong Biyernes.

Litrato: Reuters / Lisa Marie David

RCI

Ang Timog-silangang Asya ay nakikipagbuno sa isang heat wave na ilang linggo na umiiral ngayong Lunes habang ang record-high na temperatura ay nauwi sa pagsasara ng mga eskwelahan sa ilang bansa at nagbunsod ng health warnings sa buong rehiyon.

Milyong-milyong estudyante sa lahat ng pampublikong eskwelahan sa buong Pilipinas ang inutusan na manatili sa bahay ngayong Lunes pagkatapos kanselahin ang in-person classes para sa dalawang araw. Ang payo para sa lahat, nasaan man sila ay iwasan ang mga aktibidad sa labas at uminom ng maraming tubig, ngunit ang mga bata at matatanda ay sinabihan na labis na mag-ingat.

Takot dahil sa kakulangan ng tubig, pinsala sa ani

Ang Pilipinas ang isa sa mga bansang pinakamalalang naapektuhan ng mainit na panahon sa Timog-silangang Asya, kung saan ang matinding init ng tag-init ay pinalala ng humidity na pinuwersa ang kanselasyon ng klase nitong nakaraang mga linggo at nagbunsod ng takot sa kakulangan ng tubig, kawalan ng kuryente at pinsala sa mga agrikultural na ani.

Ang Departamento ng Edukasyon inutusan ang mga estudyante sa mahigit 47,000 na pampublikong eskwelahan na lumipat sa home-based at online learning dahil sa banta sa kalusugan mula sa record-high na temperatura.

Ang mga tao ay humanap ng ginhawa sa air-conditioned shopping malls sa Maynila, ang kapitolyo ng bansa na may higit 14 milyong tao kung saan ang temperatura ay umakyat sa 38.8 C noong Sabado, nilagpasan ang rekord na naitala ilang dekada na ang lumipas, ayon sa weather officials.

At least 34 na tao ang nagkasakit dahil sa labis na init sa Pilipinas sa ngayon, kasama ang anim na namatay. Sinabi ng Departamento ng Kalusugan na bineberipika nito kung ano ang esksaktong sanhi ng mga pagkamatay.

Basahin ang lagay ng heat wave sa iba pang bansa sa Timog-silangang Asya. (bagong window)

Bahagi ng artikulo ng The Associated Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita