1. Home
  2. Lipunan
  3. Imigrasyon

International students papayagan magtrabaho ng 24 oras kada linggo simula Setyembre

Gobyerno pansamantalang tinanggal ang cap sa work hours para sa int’l students noong pandemya

Marc Miller nagsasalita sa mikropono habang may mga watawat ng Canada sa background.

Federal Immigration Minister Marc Miller (archives)

Litrato: Radio-Canada

RCI

Sinabi ni Immigration Minister Marc Miller na ang international students ay maaaring magtrabaho sa labas ng kampus hanggang 24 oras kada linggo simula Setyembre.

Pansamantalang tinanggal ng mga Liberal ang 20-hour cap sa work hours para sa international students noong COVID-19 na pandemya upang tugunan ang kakulangan sa mga manggagawa.

Ang waiver na iyon ay mag-e-expire ngayong Martes.

Looking at best practices and policies in other like-minded countries, most of them limit the number of working hours for international students. Canada's rules need to be aligned or we will find our programs attracting more and more applicants whose primary intent is to work and not studying, ani Miller.

To be clear, the purpose of the international students program is to study and not to work.

Ang bagong work limit ay dumating pagkatapos maghigpit ang pederal na gobyerno sa pagdami ng international student enrolments sa buong bansa.

Nagbabala ang mga kritiko na ang pagpapahintulot sa international students na magtrabaho full-time ay gagawing unofficial work visa ang study permit, na pahihinain ang layunin nito.

Sinabi ni Miller na ang kanyang gobyerno ay ise-set ang cap sa 24 oras dahil ito ay rasonable, at pahihintulutan ang mga estudyante na magtrabaho ng tatlong full eight-hour shifts.

Binigyang-diin din niya na ipinapakita ng internal work ng departamento na mahigit 80 porsyento ng international students ay kasalukuyang nagtatrabaho ng higit 20 oras kada linggo.

Ang work hours limit ay babalik sa 20 oras kada linggo hanggang Setyembre, kapag ipinatupad na ng gobyerno ang permanenteng pagbabago upang gawin itong 24 oras.

Walang limit sa bilang ng oras na maaari magtrabaho ang international students kapag hindi sila aktibong naka-enroll sa klase, tulad ng kapag tag-init.

Iniulat ng The Canadian Press noong unang bahagi ng taon na ang mga opisyal sa departamento ni Miller ay nagbabala sa gobyerno noong 2022 na ang temporary waiver ay maaaring i-distract ang mga estudyante mula sa kanilang pag-aaral at pahinain ang layunin ng temporary foreign worker programs.

Inihain ni Miller dati ang ideya na mag-set ng permanenteng cap sa 30 oras kada linggo. Gayunpaman, noong Lunes, sinabi ng immigration minister na masyado na itong malapit sa full-time hours.

We know from studies as well that when you start working in and around 30-hour levels, there is a material impact on the quality of your studies, aniya.

Isang artikulo ni Nojoud Al Mallees (bagong window), The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita