1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Economic Indicators

Ekonomiya ng Canada lumago ng 0.2% noong Pebrero

Ang paglago noong Enero ay natulungan ng rebound pagkatapos magwakas ang public sector strike sa Quebec

Mga tren at shipping containers.

Isang aerial photo ng mga tren at shipping containers sa CPKC Railway Yard sa Vaughan, Ont.

Litrato: CBC / Patrick Morrell

RCI

Ang ekonomiya ng Canada ay katamtamang lumaki ng 0.2 porsyento noong Pebrero, ang advance estimates para sa Marso ipinahiwatig na hindi masyadong nagbago ang GDP, sinabi ng Statistics Canada ngayong Martes.

Ang sektor ng transportasyon at warehousing ay lumago ng 1.4 porsyento, sa bilis na sinabi ng data agency ay ang pinakamalaking monthly growth rate mula noong Enero 2023.

Ang rail transportation ang nag-ambag nang husto sa paglago ng sektor, na may 5.5 porsyentong gain, habang nakabawi ito mula sa isang cold snap noong Enero.

Ang GDP ng Canada ay lumaki ng 0.5 porsyento noong Enero, na natulungan ng pag-rebound ng educational services pagkatapos magwakas ang public sector strikes sa Quebec.

Abangan ang iba pang detalye. (bagong window)

Kaugnay na ulat

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita