1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Economic Indicators

’Malapit na tayo’ sa pag-cut ng interest rates, ani ng pinuno ng Bank of Canada sa MPs

‘Nakita namin ang renewed downward momentum sa underlying inflation, ani Tiff Macklem

Tiff Macklem nakasuot ng salamin.

Bank of Canada governor Tiff Macklem dumating para maging saksi sa House of Commons finance committee sa Ottawa ngayong Huwebes.

Litrato: La Presse canadienne / Sean Kilpatrick

RCI

Papalapit na ang Bank of Canada sa pagbabawas ng interest rates habang nagpakita ng senyales ang inflation na ito ay bumababa na at mananatiling ganoon, sinabi ng gobernador ng central bank na si Tiff Macklem sa mga MP ngayong Huwebes.

Nakita namin ang renewed downward momentum sa underlying inflation. Ang mensahe namin sa Canadians: tayo ay malapit na. Nakikita na namin ang dapat naming makita at kailangan lang maging confident kami na ito ay masu-sustain, ani Macklem nang humarap sa House of Commons finance committee.

Huminto na ang paglago ng ekonomiya, may excess supply ng goods, ang pagtaas ng suweldo ay nag-stabilize at lumamig na ang labour market mula sa napakainit na lebel, na nakatulong sa pagbaba ng presyo, ani Macklem.

Ang aming key indicators ng inflation ay kumilos na lahat sa tamang direksyon, aniya, tinukoy ang datos na tinanggal ang mas volatile price swings, tulad ng pagkain at energy prices.

Ang susunod na oportunidad para sa central bank na posibleng bawasan ang rates ay sa Hunyo 5.

Ang upbeat tone ni Macklem ay maaaring magandang balita para sa homeowners at would-be buyers na napuwersang bumili o i-refinance ang kanilang bahay na may interest rates na nasa 20-year highs.

Aniya ang kasalukuyang policy rate ng bangko na limang porsyento ay pinipigilan ang demand para sa mga bahay.

Ngunit pino-project ngayon ng Bank of Canada na "magkakaroon ng malakas na pick-up sa kurso ng taong ito" at magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga bahay, ani Macklem.

PANOORIN | Inflation rate ng Canada tumaas sa 2.9% noong Marso:

Inamin na ang mas mataas na interest rates ay naging mahirap para sa Canadians at ilang sektor ng ekonomiya tulad ng real estate, sinabi ni Macklem na hindi gusto ng bangko na panatilihin ang monetary policy na ganito kahigpit ng mas matagal kaysa kinakailangan.

Mga alalahanin tungkol sa Canadian dollar

Sinabi ni Macklem na may rason kung bakit ang inflation ay mas bumaba rito kaysa sa Estados Unidos — ang ekonomiya ng Canada ay mas mahina kaysa sa U.S.

Mayroon tayong sariling currency — maaari tayong magpatupad ng sariling monetary policy, ani Macklem, habang idinagdag na ang isang desisyon na bawasan ang rates habang ang Estados Unidos ay hindi gagalaw ay puwedeng magkaroon ng epekto sa Canadian dollar.

Kung kikilos tayo na mas mababa kaysa sa Fed, ito ay may posibilidad na magpababa sa dolyar ng Canada, aniya.

Ito ay magiging problematic sa mga magbabakasyon at sa mga biyahero na madalas tumawid ng border, ngunit ang mas mahinang loonie ay maaari rin maging biyaya para sa ekonomiya ng Canada, habang ang ating mga export ay nagiging mas mura.

Isang artikulo ni John Paul Tasker (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita