1. Home
  2. Politika
  3. Pederal na Politika

Foreign meddling walang epekto sa kung sino ang bumuo ng gobyerno sa huling 2 eleksyon

Ngunit sinabi rin ng inquiry na may mga nakababahalang pangyayari

Isang babae nagsasalita sa mikropono.

Commissioner Justice Marie-Josee Hogue

Litrato: La Presse canadienne / Adrian Wyld

RCI

Ang public inquiry na nag-iimbestiga sa foreign interference sinabi na ang mga pagtatangka ng ibang bansa na makialam sa huling dalawang eleksyon sa Canada ay isang "mantsa" sa electoral system ng bansa, ngunit sa huli ay hindi naapektuhan kung sinong pulitikal na partido ang bumuo ng gobyerno.

Sinabi ni Justice Marie-Josée Hogue, ang komisyoner na namumuno sa public inquiry, na may ilang akto ng electoral interference sa huling dalawang general elections, partikular sa 2019 Don Valley North Liberal nomination contest at sa 2021 electoral race sa Steveston–Richmond East.

Ngunit iginiit ni Hogue ngayong Biyernes na ang sistema ng Canada ay nananatiling ‘sound’ at walang pahiwatig na may pakikialam na naganap sa pag-cast o pagbibilang ng mga balota.

Matatandaan na inilunsad ang isang public inquiry upang matukoy kung nagkaroon ng foreign interference sa mga huling eleksyon sa Canada noong 2019 at 2021. Inakusahan ang Tsina, India, Russia at Pakistan na sinubukang makialam sa pulitika ng Canada para isulong ang sariling interes ng kanilang mga bansa.

Panoorin ang ulat ng CBC News sa bidyo na ito:

Alamin ang mga detalye tungkol sa unang report ni Hogue na inilabas ngayong Biyernes dito. (bagong window)

Isang bidyo ng CBC News na isinalin ang paglalarawan sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita