1. Home
  2. Lipunan
  3. Car Industry

Honda mamumuhunan ng $15B para magtayo ng apat na bagong planta sa Ontario

Ang planta sa Alliston, Ont., gagawa ng 240,000 na behikulo kada taon pagsapit ng 2028

Nagkamay sina Justin Trudeau at Toshihiro Mibe sa loob ng planta ng mga sasakyan.

Prime Minister Justin Trudeau at Honda executive Toshihiro Mibe dumalo sa isang event na inanunsyo ang mga plano para sa isang Honda electric vehicle battery plant sa Alliston, Ont. ngayong Huwebes, Abril 25, 2024.

Litrato: The Canadian Press / Nathan Denette

RCI

Inanunsyo nina Prime Minister Justin Trudeau at Ontario Premier Doug Ford ngayong Huwebes na ang Japanese automaker na Honda ay mamumuhunan ng $15 bilyon sa electric vehicle sector ng Ontario na magtatayo ng apat na bagong manufacturing plants sa probinsya.

Ayon sa pahayag ng gobyerno na inilabas sa media bago maganap ang anunsyo, ang kasunduan ay magreresulta sa unang komprehensibong electric vehicle supply chain sa Canada.

Kasama sa kasunduan ang konstruksyon ng unang electric vehicle assembly plant ng Honda gayundin ang bagong stand-alone EV battery plant sa pasilidad ng Honda sa Alliston, Ont.

Ang Honda ay magtatayo rin ng isang cathode active material at precursor (CAM/pCAM) processing plant sa pamamagitan ng joint venture partnership sa POSCO Future M Co., Ltd. at isang separator plant sa pamamagitan ng joint venture partnership sa Asahi Kasei Corporation, ayon sa pahayag.

Sa oras na ang assembly plant ay ganap na tumatakbo na sa 2028 ito ay magpoprodyus ng 240,000 na behikulo kada taon at lilikha ng mahigit isang libo na well-paying manufacturing jobs sa probinsya.

Kaugnay na ulat

Isang artikulo ni ​​Peter Zimonjic (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita