1. Home
  2. Lipunan
  3. Tahanan

Homeowners sa Edmonton nahaharap sa proposed 8.7% property tax hike para sa 2024

Ang proposed increase ay tumaas mula sa 6.6% boost na naaprubahan noong nakaraang taon

Isang view ng mga condo at apartment building sa kahabaan ng kalye, ang downtown nasa background.

Mga apartment at condominium sa kahabaan ng Jasper Avenue, sa silangan ng downtown Edmonton.

Litrato: Radio-Canada / David Bajer

RCI

Ang mga may-ari ng bahay sa Edmonton, Alberta, nahaharap sa property tax rate hike na 8.7%, tumaas mula sa 6.6% increase na unang inaprubahan ng konseho ng siyudad noong Nobyembre.

Sa isang spring operating budget adjustment report na inilabas noong nakalipas na Huwebes, idinetalye ng siyudad ang proposed hike bago pinal na pirmahan ng konseho ang 2024 tax levy.

Ang pinakahuling numero ay hindi pa naman nakaukit sa bato — pagdedebatihan pa ng konseho ang mga prinopose na pagbabago sa Abril 23 at 24.

Sa isang news release, sinabi ng siyudad na ang 8.7% tax increase ay mangangahulugan na ang mga tahanan sa Edmonton ay magbabayad ng dagdag na $65 para sa bawat $100,000 ng kanilang in-assess na home value sa 2024.

Ang karaniwang tahanan sa Edmonton ay magbabayad ng $8.96 kada araw sa property taxes.

Ang projected property tax increases sa mga susunod na taon ay mas mataas na rin ngayon. Nang pinag-usapan ang badyet noong Nobyembre, inaprubahan ng konseho ang pagtaas na 5.3% para sa 2025 at 4.7% para sa 2026.

Ngayon, ang siyudad ay nananawagan para sa pitong porsyento na increase sa 2025 at 6.4% hike sa 2026.

Sa isang news conference noong Huwebes, sinabi ni Stacey Padbury, ang chief financial officer ng siyudad, na ang gastusin ay tumataas nang mas mabilis kaysa sa inaasahan ng mga opisyal ng siyudad.

Kasama ang inflationary costs, ang bagong kasunduan sa halos 6,000 City of Edmonton at Edmonton Public Library staff sa Civic Service Union Local 52 ay nagdagdag ng 1.4% sa tax levy.

Tumaas ang badyet dahil ang siyudad ay nagdagdag ng mas maraming bus service hours at magbubukas ng bagong NAIT station sa Metro Line LRT.

May pagtaas din sa premiums ng Workers' Compensation Board, na nag-a-account para sa 0.3% ng tax increase.

Sinabi ni Padbury na ang pangunahing tema ng budget adjustments ay ang pagme-maintain ng kasalukuyang mga serbsiyo sa Edmonton, mula pagtanggal ng niyebe hanggang sa pagkuha ng basura.

Ang spring operating budget review ang huling tsansa para sa konseho na i-adjust ang pinansyal na plano, kinuha ang bagong economic forecasts at mga desisyon sa badyet mula sa ibang lebel ng gobyerno, bago ipadala ang property tax bills sa mail.

Pagkatapos pagdebatihan ng konseho ang prinopose na mga pagbabago, plano ng siyudad na maghain ng bylaws sa Abril 30 upang maitakda ang tax rates batay sa naaprubahan na pagtaas.

Ang tax notices ay ime-mail sa lahat ng porperty owners sa Mayo 24, ang property taxes ay dapat bayaran sa Hunyo 30.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita